Orientation
TP4 Summer Orientation program! yey! najump start na rin yung project! Super excited ako sa araw na ito! Ayun, nasuprise ako kasi naisip nung CSC yung Name tags, eh hindi ko naman sinabi yun. It shows na talagang they are interested in the project. Haaay! Super excited nako sa kakalabasan neto, dahil ang daming students! So far ang pinakamarami namin.

Lessons Day 1
Nagturo ako ng factoring nung math. Nireinforce ko yung special products na inintroduce ko kahapon. Medyo mas fast paced ako magturo nagyon compared to the other batches. Gusto ko kasi sila itest kung gano talaga sila kagaling. Nag-paassignment na rin ako afterwards. Wala kaming ginawa nung activity hour. Nakalimutan ko kasi dalin eh! Nung Chemistry, ang tinuro ko naman nomenclature of Inorganic Compounds. I can't believe na hindi nila alam yung mga acids. Kasi naging lesson namin yun nung 3rd year HS ako. Kaya dapat nakasama yun sa curriculum nila.

Lessons Day 2
Sinagutan namin yung assignment nila. Hindi ko pa nga nachecheck, pero naririnig ko naman yung mga comment nila, "ay mali ako dun" "yes tama ako!" "ay! ganun pala yun!" Mga eklaverva! Activity hour, nagbigay ako ng personality exam. Hindi pa din tapos yung pageevaluate nun. Para sana sa courses na applicable sa personality nila. sa Chem naman, Nagturo ako ng Types of Reactions and Balancing. Infairness! Andali! Tapos nag-paassignment nanaman ako.

Lessons Day 3
New lesson sa math. Properties of logarithms na naintro ko na din nung 1st day. Expanding logarithms, then formula derivation. How to isolate a variable on one said etc. Assignment galore nanaman! Activity hour, diniscuss ko yung mga course na inooffer sa UST. In Chemistry, sinagutan namin yung assignment na, tapos, nagdiscuss ng all about quantum numbers. Astig!

All in all, medyo yung boys lang naman talaga yung mga nakakainis, kasi ang daming side comments. Humanda sila sa mga WORD PROBLEMS na hinanda ko for them! Wahahahahaha!