Buong maghapon, nasa CSC office si Jarry. May dala pa nga syang suman. He offered everyone a piece. Nakakatawa nga kasi si Mon, nagpapatawa. “Kainin nyo daw yung suman ni Jarry! Malagkit at maliit!” Grabeh! Tawa ako ng tawa nun! He really made the joke sound green! Buti nalang sport si Jarry. Siguro nasanay na kay Mon. Araw-araw mo naman ba kasi kasama! Tinago ko yung dahon ng saging na pinagbalutan nung suman. Nilagay ko dun sa box ng champola chocolate na binili namin sa Mall of Asia. Sana nga hindi nya napansin yung ginawa ko. Nasa left side ko lang kasi sya nun, and he was seated facing me.
Kanina, nung nagtuturo ako ng proving of trigonometric identities, napansin kong pinapanood ako ni Jarry. Nandun sya sa labas malapit sa pinto ng room, nakatingin... well... saken. Pero ayokong mag-assume, siguro natutuwa lang sya kung pano ako magturo, nakangiti kasi sya eh.
After nung class ko with TP4, bumalik ako sa CSC office para makita ulet si Jarry. Chos! Hindi naman! Bumalik din ako para tumulong dun sa paggawa nung surprise exam namin sa mga bata bukas. Nakipagkwentuhan ako kay Rowie, yung staff ng CSC na naassign magtype ng mga exams. So habang tinatype nya yung English kwento galore ako sa kanya, kahit first time ko lang sya nameet! Feeling close ako! Wahahahah! During that time meron syang katabing boylalou na natutulog. Pinaglaruan ni Cheska at ni Jarry yung kawawang sleeping boylalou. Tapos tinanong ako ni Jarry, kung tapos na yung sa mga bata. As usual my usual reply, “Oo.” Eh, nagkataong magsisix pm na kelangan na ni Rowie umuwi. Pinaphotocopy nya yung manual, kasi hindi daw nya pwedeng iwan. Sabi ko tutulong na ako. Bumalik si Rowie binigay sken yung photocopy ng Biology exam na kelangan kong itranscribe sa computer. Nung umalis si Rowie, sakto naman yung pagbalik ni Jarry with Cheska. Siguro it was around 6:30 pm nung sinabi ni Jarry saken. “Wilbert, kung gusto mo na umuwi ok lang, ako na tatapos nyan.” KILIG EVER! WAHAHAHAHAHA! Tumanggi nga lang ako. Kasi wala naman akong gagawin eh.
Ang sweet talaga ni Jarry! Haaay!
0 comments:
Post a Comment